Pages

Thursday, June 6, 2019

Ano ang Maikling Kuwento

Ano ang Maikling Kuwento?
Ang maikling kwento ay isang uri ng masining na panitikan o pagsulat. Naglalaman ito ng maikling salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari o isang kathang-isip lamang na kuwento na nag-iiwan sa isipan ng isang mambabasa ng aral o impresyon. Maaaring isa o iilan lamang ang tauhan sa kuwento. Ang paksa ng isang maikling kwento ay maaring kahit ano. Maaari itong patungkol sa pag-ibig, sa kalikasan, sa pamilya, o sa kaibigan, at iba pa. Karaniwan nang ang isang maikling kuwento ay maaaring mabasa o matapos sa isang upuan lamang ng pagbabasa.

Itinuturing na ‘Ama ng Maikling Kuwento’ sa panitikang Pilipino ay si Deogracias A. Rosario. Noong panahon ng mga Amerikano tinatawag din itong dagli, at ginagawa itong libangan ng mga sundalo. Ayon kay Edgar Allan Poe, ang isang maikling kuwento ay isang akdang panitikan na maaaring nabuo sa pamamagitan ng mga guni-guni na salig sa mga pangyayari sa buhay na aktuwal na naganap, o mga bagay na maaaring maganap. Kaya ang mga maiikling mga kuwento ay maaaring hango sa mga pangyayari sa totoong buhay o mga kathang-isip na mga bagay na hindi maipaliwanag. May pagkakatulad din ito sa nobela at dula.

Mga Elemento ng Maikling Kuwento:
Panimula
Saglit na Kasiglahan
Suliranin
Tunggalian
Kasukdulan
Kakalasan
Wakas
Tagpuan
Paksang Diwa
Kaisipan
Banghay

10 Uri ng Maikling Kuwento:
Kuwento ng tauhan
Kuwento ng katutubong kulay
Kuwentong bayan
Kuwento ng kababalaghan
Kuwento ng katatakutan
Kuwento ng madulang pangyayari
Kuwento ng sikolohiko
Kuwento ng pakikipagsapalaran
Kuwento ng katatawanan
Kuwento ng pag-ibig

3 Bahagi ng Maikling Kuwento:
Simula
Gitna
Wakas

No comments:

Post a Comment