Sa pinakapayak na
paglalarawan, ang panitikan o panulatan ay
ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula na nag-uugnay sa isang tao. Subalit
upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas
lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at
diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may hugis, may
punto de bista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating
pampanitikan.[
Mga Halimbawa ng Panitikan:
Sanaysay - ito ang uri ng panitikan na may isang maiksing
komposisyon na kalimitan na naglalaman ng mga personal na kuru-kuro ng may
akda.
Pabula - ito ay isang uri ng panitikan na kathang isip
lamang na kung saan ang kumaganap sa kwento ay mga hayop o mga bagay na walang
buhay.
Nobela o talambuhay -ito ang uri ng panitikan na binubuo ng
ibat-ibang kabanata,isang mahabang kwento tungkol sa buhay ng isang tao.
Alamat - ito ay isang uri ng panitikan na kung saan ay
isinasalaysay ang mga pangyayari tungkol sa isang pook,tao at pangyayari na
mayroong pinagbabatayan sa kasaysayan ang kaugnay ng alamat ay ang kuwentong
bayan at mito, Sa makatuwid ang alamat ay mga kuwento patungkol sa mga
pinagmulan ng mga bagay bagay sa daigdig.
Dula- uri ng panitikan na nahahati sa ilang yugto na
maraming tagpo.
Maikling kuwento - uri ng panitikan na maiksing
salaysay lamang tungkol sa isang mahalagang pangyayari sa isang tao o mga
tauhan na may iisang impresyon lamang
Parabula -ito ay uri ng panitikan na kung saan ang mga
pangyayari ay hango sa bibliya at may moral na aral
Bugtong - ito ang uri ng panitikan na tinatawag ding
palaisipan, ito ay isang pangungusap o isang katanungan na may nakatagong
kahulugan na kaylangan isipin o lutasin.
Epiko - ito ay isang uri ng panitikan na nasa uri ng patula
na nakuha natin sa mga Espanyol na may sukat na walong pantig bawat linya at
may apat na linya sa isang saknong.
Tula - ito ang uri ng panitikan na pinagyayaman sa pamamagitan
ng paggamit ng tayutay,at malayang paggamit ng mga salita sa ibat-ibang estilo
Talumpati - uri ng panitikan na isang buod ng kaisipan o
opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado.
Ano nga ba ang panitikan? Ang panitikan ay isang anyo
ng pagpapahayag na ginagamitan ng imahinasyon sa anyo ng tuluyan o Prosa maging
sa tula na binubuo ng maayos at masining na pagsasama-sama ng mga salita.
Dalawang uri ng panitikan:
Tuluyan o Prosa - Ito ay mahabang pagsulat na karaniwang
takbo ng pagpapahayag,walang bilang ang mga pantig at hindi pinagtutugma-tugma
ang mga dulo ng taludtod sa bawat saknong na katulad ng patula.hindi limitado o
pigil ang paggamit ng mga pangungusap ng isang manunulat. Kabilang dito ang mga
sumusunod:
Nobela
Dula
Alamat
Maikling kwento
Pabula
Talambuhay
Sanaysay
Parabula
Patula - ito ay
nagpapahayag ng mga salitang binibilang ang mga pantig,at pinagtutugma-tugma
ang mga dulo ng taludtod sa bawat saknong, kabilang dito ang mga sumusunod:
Tulang pasalaysay
Tulang pangtanghalan
Tulang liriko
Epiko
Bugtong
No comments:
Post a Comment