Pages

Monday, June 10, 2019

Panaginip

Panaginip (ni: Laila D. Dinolan
<script type="text/javascript" src="https://g.Cash-ADS.com/banner.php?uid=1014&e=0&p=0&s=0&size=4"></script>
Isang Anekdota
“Huh, napakaganda niya! Hello, Henzo, sabi ng Panginoon tayo daw ay isinilang na magkadugtong ang buhay. Ikaw at ako ay sa itinakda sa isa’t isa sa tamang panahon. Sana makapaghintay ka.” “OO, mahal na prinsesa aasahan mo andito lamang ako para sa iyo.” “Pusong inihanda ng Diyos, tinali ng pagmamahal, binigkis ng basbas, tapat at wagas;.” ang tinig mula sa itaas na nagpahiwatig ng kanilang pag-iisa sa tamang panahon.
Nagulat si Henzo sa kanyang napanaginipan at buong katapatang ito ay isinumbong sa ina. Tumawa lamang ang ito at nagwikang, “Anak, iyon ay panaginip lamag at di maaaring magiging totoo. Kaya tigilan mo na iyan. Mag-ayos ka na at baka mahuli ka pa sa klase mo.” Umalis si Henzo na di mawawala sa isip ang panaginip. Ngunit sa kalooban nakatatak ang wika ng ina; “Panaginip lamang iyon at di totoo.”
Lumipas ang mga taon at nakatapos si Henzo ng kanyang pag-aaral sa paggapang ng mga magulang. Nakatrabaho agad at may malaking kita dito sa ating bansa. Nagka -edad na siya ngunit nasa isip pa rin ang larawan ng prinsesa sa kanyang panaginip. Subalit nagdesisyon si Henzo; “Panaginip lamang iyon at di pweding magkatotoo.” Nasa 30 na taong gulang na ako at kailangan ko ng magbukod ng pamilya.
Isang miting ang kanyang dinaluhan at nakilala niya doon si Dolce, isang Account Executive. Nahulog dito ang kanyang loob at sa madaling sabi nagpakasal at nagsama sa isang bobong. Masaya naman sila ngunit hindi pa rin mawalay sa isip niya ang prinsesa.
Isang sulat mula sa kanilang kompanya sa London ang kanyang natanggap na napili siya bilang kinatawanan ng Pilipinas sa kanilang International summit. Masaya siya sa balitang iyon sapagkat makapunta siya sa London na walang bayad. Napakalaking pagkakataon iyon para sa kanya.
Dumating siya sa London at namalagi sa hotel na inilaan sa kanya ng kompanya. Kinaumagahan pumunta na siya sa conference hall. Isang nakagulantang na pangyayari ang kanyang nakita, sapagkat ang anak ng nagmamay-ari ng kanilang kompanya sa London ay isang prinsesa at sa di inaasahan, siya ang babae sa kanyang panaginip. Nagkasalubong ang kanilang tingin. Nagulat siya nang ngumiti ang prinsesa at siya ay pinuntahan. Di maintindihan kung ano ang kanyang nararamdaman, ngunit magkahalong kaba at pagkadismaya na totoo ang babae sa kanyang panaginip.
“Hello, alam mo, sapalagay ko nagkita na tayo, ngunit di ko alam kung saan at kalian. Basta dito sa isip ko at puso nagkita na tayo.” “Ah, hehehehe, siguro sa ibang konperensiya Ma’am.” Iyon ang tanging nasambit ni Henzo. Ngayon ang sa isip niya ay paghihinayang na sana kung hindi lang siya nagmamadali at sana nagtiis siya ng kaunti, sana nakita niya ang tunay na ipinaglaan ng Diyos para sa kanya.
Kung minsan, kailangan natin ang matagal na pag-unawa sa mga pahiwatig ng Diyos sa buhay natin. Huwag tayong bulag sa mga pagparamdam ng Panginoon sa puso at isip natin, dahil maraming bagay sa mundo natin ang di mapaliwanag ng katalinuhan o maging ng agham. “Punung-puno ng misteryo ang buhay, mag-ingat sa bawat hakbang nang sa gayon, di matisod at mapako sa maling daanan.”

No comments:

Post a Comment