Pages

Monday, June 10, 2019

Ano ang Sawikain


Ang sawikain o idiom sa wikang Ingles ay salita o grupo ng mga salitang patalinghaga na nagsasaad ng hindi tuwirang paglalarawan sa isang bagay, kaganapan, sitwasyon o pangyayari.

1. Abot-tanaw

Kahulugan: Naaabot ng tingin
Halimbawa: Aking napagtanto na tayo pala ay abot-tanaw ng Panginoon.

2. Agaw-dilim

Kahulugan: Malapit nang gumabi
Halimbawa: Agaw-dilim nang umuwi si Ben sa kanilang bahay.

3. Alilang-kanin

Kahulugan: Utusang walang bayad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo.
Halimbawa: Si Rowena ay alilang kanin ng kanyang Tiya Ising.

4. Amoy pinipig

Kahulugan: Mabango, nagdadalaga
Halimbawa: Amoy pinipig si Julie.

5. Amoy tsiko

Kahulugan: Lango sa alak, lasing
Halimbawa: Amoy tsiko ng umuwi si Alex sa bahay.

Ang kahulugan ng kasabihan ay ang mga sumusunod:  
·         pahayag na payak, simple, at madaling maintindihan na nagbibigay payo o nagsasaad ng katotohanan patungkol sa tao at buhay  
Mga halimbawa ng kasabihan:
Kung ayaw mong maghirap, mabuting magsikap.
Ang batang matalino, nag-aaral ng mabuti.
Huwag kang magtiwala sa ‘di mo kakilala.
Walang mahirap na gawa ‘pag dinaan sa tiyaga.
Ang di magmahal sa sariling wika ay mahigit pa sa malansang isda.

Bugtong – isang pangungusap o tanong na kadalasang nilalaro ng mga batang pinoy, at ng mga nakakatanda. Ito ay may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan.  

Ang bugtong ay gumagamit ng talinghaga, o mga metapora sa pagsasalarawan isang partikular na bagay o mga bagay na hulaan. Madalas itong nangangailangan ng katalinuhan at maingat ng pagninilay-nilay para mahulaan ang palaisipan o tanong.

Halimbawa: 

1. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
Sagot: kandila

2. Baboy ko sa pulo, ang balahibo'y pako.
Sagot: langka

3. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
Sagot: ampalaya
4. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.
Sagot: ilaw

5. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
Sagot: anino


Palaisipan?

Ito ay isang suliranin o uri ng bugtong na sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas nito.

Ako ay nasa gitna ng dagat, nasa huli ng daigdig, at nasa unahan ng globo. Sagot: letrang 'G'
Sa umaga ay apat ang paa. Sa tanghali ay dalawa lang. Sa gabi ay tatlo. Ano ako? Sagot: tao
Si Mario ay isa sa limang magkakapatid. Ang mga pangalan nila, umpisa sa panganay ay sina Enero, Pebrero, Marso, Abril at ___________. Ano ang pangalan ng bunso sa magkakapatid?  Sagot: Mario
Kung ang gumagapang sa aso ay pulgas, sa damo ay ahas, sa ulo ng tao ay kuto, ano naman ang gumagapang sa kabayo?  Sagot:  Plantsa
May sampung ibon ang nakadapo sa isang maliit na sanga ng puno. Limang maya, dalawang pipit at dalawang kuwago at ang isa ay uwak. Binato ni Bato ang sanga. Tinamaan at nalaglag ang uwak. Ilang maya ang naiwan sa sanga? Sagot: 5

Ang bulong ay isang panalanging binuhay dahil sa pagnanais na makamtan ang isang pangyayari o pagbabago sa hinaharap na mga pangyayari sa kapalaran. Ito ay matandang katawagan sa orasyon.

Mga Halimbawa ng Bulong
1. Tabi tabi po
2. ‎Makikiraan po
3. ‎Mano po
4. ‎Paabot po
5. ‎Paalam


No comments:

Post a Comment