Pages

Monday, June 10, 2019

Ano ang Salawikain?


Ano ang Salawikain? 
Ang mga salawikain o kasabihang Pilipino ay binubuo ng mga parirala na karaniwan ay nasa anyong patula na kung saan ito ay nagbibigay ng gintong aral. Ito ay mga tradisyunal na kasabihan ng ating mga ninuno na patuloy na nagpasalin-salin hanggang makarating sa ating henerasyon at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
Ang bawat salawikain ay naglalaman ng mga karunungan at aral tungkol sa kabutihang asal, pakikipag-kapwa tao, pagmamalasakit sa bayan, at pagmamahal at paglilingkod sa Diyos.
Halimbawa ng Salawikain 
1.       Aanhin pa ang damo,
Kung patay na ang kabayo.
2.       Ang ampalaya kahit anong pait,
Sa nagkakagusto’y matamis.
3.       Ang anumang kasulatan dapat ay lalagdaan.
4.       Ang bungang hinog sa sanga,
Matamis ang lasa.
Ang bungang hinog sa pilit,
Kung kainin ay mapait.
5.       Ang butong tinangay ng aso,
Walang salang nalawayan ito.

No comments:

Post a Comment